Umalingawngaw ang suporta ng National Union of Journalists of the Philippines sa Malacañang Press Corps na tumutol sa hiling ng Presidential Communications Office na paalisin si NET 25 reporter Eden Santos sa Malacañang dahil sa umano’y paglabag nito sa protocol.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ng NUJP na mahalagang pagtuunan ng pansin ng PCO kung bakit napipilitang gumamit ng “ambush” interviews ang mga reporter para makapaglabas ng balita tungkol sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Iginigiit ng grupo na maaaring may kakulangan sa impormasyong ibinibigay sa mga briefings, kaya’t natutulak ang mga mamamahayag na humanap ng paraan para makausap ang Pangulo. Dagdag pa ng NUJP, dapat ituring ng Palasyo ang insidenteng ito bilang pagkakataon upang suriin kung bakit umaasa sa ganitong paraan ang mga journalist.