Idineklara ng Department of Agriculture ang Nueva Vizcaya bilang Ginger Capital of the Philippines.
Layon ng deklarasyon na mapaunlad ang produksyon ng luya at maiangat ang kita ng mga magsasaka sa nueva Vizcaya at buong Cagayan Valley region.
Alinsunod din ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palaguin ang agricultural productivity sa Pilipinas.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, nanguna ang Nueva Vizcaya sa produksyon ng luya sa bansa noong 2024 na umani ng mahigit 7,000 metric tons mula sa higit siyamnaraang ektarya ng lupa sa probinsya.
—sa panulat ni John Riz Calata