Maaring ipagbawal na ang pagbibigay ng mga assignment o takdang aralin sa mga estudyante.
Ito ay sa sandaling maisabatas na ang mga panukalang inihain nina House Deputy Speaker Evelina Escudero at Quezon City Rep. Alfred Vargas.
Sa house bill 3611 na inihain ni Escudero, layon nitong ipagbawal ang paggawa ng homework sa mga estudyante ng nasa Kinder hanggang High School para magkaroon ng mas maraming oras sa pagpapahinga at pakikipag usap ang mga estudyante at kanilang mga magulang.
Habang sa panukala naman ni Vargas na house bill 3883, ipagbabawal lamang ang pagbibigay ng homework kapag weekend.
Papatawan ng 50,000 pisong multa at isa hanggang dalawang taong kulong ang mga guro na magbibigay ng assignment tuwing weekend.