Nangangamba na ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa patuloy na pagtaas ng bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients na kanilang tinatanggap.
Ayon kay NKTI exectuvie director Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, dahil sa pagdami ng mga pasyente ay posibleng makompromiso rin ang kalusugan ng mga health workers.
Ani Liquete, hindi na maituturing na healthy ang environment sa pagamutan –hindi lamang para sa mga kawani, kun’di para sa mga pasyente.
Hindi rin umano maaaring magdagdag ng mga kama sa ospital para sa mga COVID-19 patients dahil obligado rin umano silang tumanggap ng mga pasyenteng may ibang karamdaman.