Gumagamit na ng Artificial Intelligence ang National Irrigation Administration sa kanilang advanced weather forecasting system upang mapababa ang epekto ng paglalabas ng tubig mula sa mga dam sa mga mabababang lugar.
Ayon kay N.I.A. Administrator Eduardo Guillen, malaking tulong ang teknolohiya upang maipabatid nang mas maaga sa publiko ang mga posibleng pagbaha.
Inilahad ni Administrator Guillen na sinusunod na ngayon ng N.I.A. ang isang protocol sa paglalabas ng tubig mula sa mga pangunahing dam, tulad ng Angat at Ipo.
Sinisiguro aniya ng ahensya na nakakapagbigay sila ng abiso sa publiko, dalawa hanggang tatlong oras bago ito isagawa.
Binigyang-diin ng N.I.A. Administrator na mahalaga ang kontroladong paglalabas ng tubig upang mapanatili ang kaligtasan at integridad ng mga dam.