Nakikipag-ugnayan na ang National Economic Development Authority (NEDA) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Statistics Authority (PSA) para mapabilis ang pag-iimprenta at distribusyon ng National ID.
Ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang sistema ng PhilSys National ID.
Siniguro naman Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan sa pulong kasama ang mga opisyal ng BSP at PSA na nananatiling on track ang naturang proyekto.
Aniya, pinaiigting na ng pamahalaan ang mga hakbang upang mapabilis ang usad ng implementasyon nito at mapakinabangan na ng mas maraming Pilipino.
Samantala, target ng gobyerno na makapag-isyu ng 50 milyong Phil IDs bago matapos ang taong 2022.