Nagpakalat na ang NDRRMC O National Disaster Risk Reduction and Management Council ng mga rapid emergency telecommunications teams na mangangasiwa sa pakikipag-ugnayan sa mga lugar na apektado ng patuloy na pag-uulan.
Sa tala ng NDRRMC, aabot na sa limandaan at tatlumpu’t dalawang libong pamilya o katumbas ng mahigit dalawang milyong indibiduwal mula sa regions 1, 3, 6, CALABARZON, Cordillera at NCR ang apektado ng pagbaha dulot ng patuloy na pag-uulan.
Nasa mahigit sampung libong pamilya o katumbas ng mahigit apatnapu’t tatlong libong indibiduwal naman ang kasalukuyang nanunuluyan pansamantala sa mga evacuation centers.
Samantala, umapela ang ndrrmc sa publiko na maging laging handa, gawin ang ibayong pag-iingat at ugaliing makibalita sa telebisyon, radyo o maging sa social media hinggil sa lagay ng panahon.