Pinatawan ng isang korte sa Maynila ang isang dating NBI agent ng mula dalawa hanggang walong taong pagkakakulong.
Ito’y matapos matuklasan ang pamemeke ni Crizalina Torres ng kanyang attendance record.
Sa desisyon ng Manila RTC, napatunayang guilty si Torres sa 6 na bilang ng falsification of public documents dahil sa pamemeke ng daily time records o DTR upang palabasin na pumasok ito kahit hindi.
Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, natuklasang pineke ni Torres ang kanyang mga applications for leave noong Agosto 2010 hanggang 2011 upang lumusot ang kanyang mga bakasyon.
By: Jelbert Perdez