Kanselado na ang NBA All-Star Games dahil sa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ang All Star Games ay una nang itinakda sa Pebrero 12 hanggang 14, 2021 sa indianapolis subalit ini reschedule na lamang sa 2024.
Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver dismayado silang hindi natuloy ang All Star Game subalit pursigidong matuloy na ito sa 2024 sa pag-host ng Indiana Pacers.
Magiging host naman sana ang Cleveland sa 2022 All-Star Game at sa 2023 ang Salt Lake.
Samantala tuloy na sa Disyembre 22 ang pagbubukas ng 2020-2021 NBA regular season.