Umaabot na sa labing-siyam (19) na sundalo ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi City.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla.
Sinabi ni Padilla na bukod sa labing-siyam (19) na nalagas sa kanilang hanay, nasa mahigit limampu (50) na ang nasugatan.
Samantala, sinabi naman ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st infantry division ng Philippine Army, na kabuuang apatnapu’t isang (41) myembro ng Maute group ang napatay sa nagpapatuloy na operasyon sa Marawi.
Narekober mula sa mga ito ang labing anim na high-powered firearms.
By Meann Tanbio
Nasawing tropa ng pamahalaan sa Marawi clash umaabot na sa 19 was last modified: May 28th, 2017 by DWIZ 882