Tinatayang 420,000 na mga manggagawa ang nawalan ng trabaho noong nakaraang taon dahil sa masamang epekto ng pandemya.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles (CABSEC), ito ang rason kung bakit aniya doble kayod ang paglikha sa trabaho ng national employment recovery task force.
Dagdag pa ni Nograles, bukod sa trabaho bumubuo na rin ang naturang task force ng iba’t-ibang kabuhayan para makatulong sa mga kababayan nating nawalan ng pinagkakakitaan.
Mababatid na nilagdaan ani Nograles ang joint memorandum circular na layong pagbutihin ang kalagayan ng sektor ng paggawa sa bansa.
Kaugnay nito, inihayag ni Nograles na sang-ayon sa build, build, build project ng administrasyon, makalilikha aniya ito ng higit sa isang milyong mga trabaho.