Sisimulan na ngayong araw ng Biyernes, Marso 5 ang muling pagbubukas ng mga sinehan at arcade games sa Lungsod ng Valenzuela ayon kay Mayor Rex Gatchalian.
Paliwanag ni Mayor Gatchalian, patuloy pa rin namang ipapatutupad sa lungsod ang health protocols at lilimitahan lamang ang kapasidad ng mga sinehan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Gatchalian, anim lamang ang sinehan sa Valenzuela kaya’t hindi ganoon kahirap na i-regulate ang mga ito.
Dagdag ng Alkalde, nakahanda ang lungsod na sumunod sa anomang panuntunang ipag-uutos ng national government.—sa panulat ni Agustina Nolasco