Tinawag ni constitutionalist at dating Commission on Elections Commissioner Rene Sarmiento na “judicial overreach” at “judicial expansionism” ang ginawang desisyon ng Korte Suprema na tawaging “unconstitutional” ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Ngunit umaasa pa rin si Sarmiento na matignan pa ng Korte Suprema ang mga motions for reconsideration na isinumite sa kanila.
Sa panayam ng DWIZ, nananawagan si Sarmiento sa mga mahistrado ng Korte Suprema na tignan ang mga nasabing mosyon upang patunayan ang kanilang katapatan sa taumbayan.
Iginiit din ni Sarmiento na umaasa pa rin siya na muling mabubuhay ang impeachment case dahil, sa kanyang pananaw, maaari pa ring hugutin at buhayin ang na-archive na kaso ng impeachment ng Bise Presidente.