Tatapatan ng mga residente ng North Cotabato ngayong araw ang isinagawang kilos protesta ng mga magsasaka noong isang linggo.
Ito’y bilang paghahayag ng suporta sa pamahalaang panlalawigan gayundin sa mga pulis na nasaktan sa marahas na dispersal.
Inorganisa ang nasabing pagkilos ng lokal na pamahalaan at ng mga taong nasaktan nang makita sa social media ang kalunus-lunos na sinapit ng kanilang mga kababayan.
Nilinaw naman ng pamahalaang panlalawigan na magiging mapayapa ang nasabing pagkilos upang ipakita na may ginawa ang gobyerno sa kapakanan ng mga mahihirap.
KMP
Kinondena naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP ang isasagawang kilos protesta ngayong araw ng mga residente ng North Cotabato.
Ito’y bilang pagsuporta umano sa mga naging hakbang ng pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Jerry Alborme, Spokesman ng KMP North Cotabato, tila mas inaatupag pa ni Gov. Emmylou Mendoza ang pagsasaayos ng nasira niyang imahe sa halip na lutasin ang problema ng mga magsasaka sa kanyang lugar.
Mas mainam ayon kay Alborme na gastusin na lamang para sa mga magsasaka ang pondong gagamitin ng lokal na pamahalaan para sa isasagawa nilang pagkilos.
Una rito, itinanggi ni Mendoza na sila ang pasimuno ng isasagawang kilos protesta ngayong araw.
By Jaymark Dagala