Binasura ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating AFP comptroller Jacinto Ligot at pamilya nito na idismis ang 55 million peso forfeiture case laban sa kanila.
Idinahilan ng second division ang kakulangan ng merito sa inihaing ‘Joint demurrer to evidence’ ni Lagot at mga kapwa akusado nito.
Kabilang sa mga kapwa akusado ni Ligot ang may bahay nitong si Erlinda, mga anak na sina Paulo, Riza at Miguel, bayaw na si Edgardo Yambao at pinsan ni Ginang Ligot na si Gilda Alfonso-Velasquez.
Una nang ibinasura ng Sandiganbayan sa kanilang resolusyon noong 2014 at 2016 ang depensa ng mga Ligot sa nasabing kaso.