Muling nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na pairalin ang disiplina sa daan ngayong panahon ng mga christmas parties.
Ayon kay EDSA Traffic Chief Col. Bong Nebrija, kailangan ay maging responsable ang mga mamamayan para maiwasan ang anumang aberya sa daan ngayong holiday season.
Payo nito, mas maganda kung paiiralin ang carpooling scheme para makabawas sa dami ng sasakyan.
Bukod dito, ipinaalala rin ni Nebrija na magbaon ng maraming pasensya para maiwasan ang mga away sa daan dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.
Samantala, nagpaalala rin sa ang MMDA sa mga mall owners sa EDSA na maging responsable sa daloy ng trapiko papasok at papalabas sa paligid ng mga naturang mall.