Nabulabog ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa haba ng mga sasakyang nakapila sa mga checkpoints sa unang Lunes ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, bagamat inasahan na nila ito, hindi nila inakala ang ganoon karaming sasakyan na lumabas ngayong Lunes.
Nakiusap ang MMDA sa mamamayan na manatili na lang sa bahay kung hindi naman importante ang kanilang pupuntahan at huwag nang dumagdag sa problema.