Nanawagan ang Philippine National Police o PNP sa publiko na iwasang magpakalat ng mga haka-haka o panghuhusga laban sa mga Pulis na nagpositibo sa COVID-19.
Inihayag ito ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar matapos kumpirmahin ng Quezon City Police District o QCPD na 51 sa 82 mga Pulis na ipinakalat nuong SONA ang nagpositibo sa virus.
Ayon sa PNP Chief, nasasaktan siya bilang ama ng PNP na marinig ang mga batikos laban sa kaniyang mga tauhan na patuloy pa ring gumaganap sa tungkulin sa kabila ng pagharap nila sa banta ng COVID-19.
Giit ni Eleazar, hindi makatao at makatuwiran na hamakin ang mga Pulis na tinamaan ng COVID-19 lalo’t may pamilya ring nagaalala para sa kanila .
Una nang sinibak ni Eleazar sa puwesto ang Commander ng QCPD Station 3 dahil sa Command Responsibility nang ipakalat pa rin ang mga Pulis noong SONA at nagpositibo sa COVID-19.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)