Inihayag ni Bureau of Plant Industry (BPI) Director George Culaste na nakakapasok sa bansa bilang misdeclared shipment ang mga puslit na carrots na makikita sa ilang pamilihan.
Napag-alaman ng mga otoridad sa isang operasyon na idinedeklara ang mga Carrot bilang bread making ingredients gaya ng Chapati.
Misdeclared aniya ang nangyari dahil ang nasabing ingredient ay hindi itinuturing na plant at plant products.
Nabatid na inamin kamakailan ng mga magsasaka sa La Trinidad, Benguet na nalulugi sila ng mahigit P2-M kada araw dahil sa mga smuggled na gulay. —sa panulat ni Airiam Sancho