Maliit lang ang naging epekto ng pagpapatay ng Maynilad ng suplay ng tubig sa ilang barangay sa Lungsod ng Maynila, kagabi.
Batay sa monitoring ng DWIZ Patrol, ito ay dahil maagang nakapag-ipon ng tubig ang mga residente at ilang oras lamang din sa gabi nawalan ng supply.
Nakapaghanda din ang mga tindahan at restaurant na kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng kawalan ng suplay ng tubig.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)