Pumalo na sa higit 900 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa huling datos ng health service ng pambansang pulisya, kabuuang 981 na ang bilang ng mga nagpopositibo sa nakamamatay sa hanay ng pulisya.
659 sa mga pulis ang itinuturing na probable case habang 1,258 naman ang bilang mga suspected cases.
Naitala naman ang nasa 429 ang kabuuang bilang ng mga gumagaling sa virus at nanatiling 9 ang mga namatay dahil dito.