Lehitimo at hindi ghost ang mga infrastructure project sa Barangay Putatan, Muntinlupa City at hindi duplicate allocations.
Ito ang inamin ni Senator Sherwin Gatchalian matapos makatanggap ng paglilinaw mula sa local government unit ng Muntinlupa.
Magugunitang inihalimbawa ni Gatchalian sa hearing ng DPWH 2026 budget ng Senate Finance Committee na kanyang pinamumunuan, ang kaso ng Putatan Multipurpose Building na itinayo at in-rehabilitate sa loob ng isang taon.
Nag-ugat anya ang isyu mula sa “generic entry” na hindi tumukoy sa partikular na alokasyon ng pondo at sa kaso sa Muntinlupa, kinumpirma ni Gatchalian na ang ₱30.3 million fund ay napunta sa limang magkakahiwalay na proyekto sa limang lugar sa pinakamalaki nitong mga barangay.
Dahil sa kalituhan, pinagpaliwanag ni Muntinlupa City Lone District Rep. Jaime Fresnedi ang DPWH.
Welcome rin sa kongresista ang paglilinaw ni Senator Gatchalian na ang mga proyekto sa Muntinlupa ay hindi red flag, kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng itemization at transparency sa budget presentation.





