Hinimok ni Senador Joel Villanueva ang gobyerno na lalo pang paigtingin ang mga programa na makakatulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na makabangon matapos maapektuhan ang hanapbuhay sa ibayong dagat dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Villanueva, malaking tulong dito kung mabibigyan ng skills training sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga OFW upang madagdagan ang kanilang kakayahan at mas maraming opurtunidad sa kanila ang magbukas.
Maaari rin aniya silang matuto sa TESDA na maging isang entrepreneur.
Kasabay nito, tinawagang pansin din ng senador ang Department of Labor and Employment (DOLE) para palakasin pa umano nito ang koordinasyon sa iba’t ibang industriya para malaman ang kanilang labor demand at mai-match ng gobyerno ito sa mga nangangailangan ng trabaho sa bansa.
Ani Villanueva, ang pagma-match ng pangangailangan ng labor market ay isang epektibong paraan upang mabawasan ang unemployment sa bansa.