Inabisuhan na DFA ang mga Pilipino sa Afghanistan na maghanda na para sa evacuation makaraang kubkubin ng grupong Taliban ang ilang pangunahing lungsod, kabilang ang kabiserang Kabul.
Itinaas din ng DFA ang alert level 4 na nangangahulugang magsasagawa ng mandatory evacuation sa lahat ng Pinoy sa Afghanistan.
Ayon sa kagawaran, nasa 130 ang mga Pinoy sa naturang bansa.
Nakikipag-ugnayan na sa DFA ang Philippine Embassy sa Pakistan, na may hurisdiksyon sa Afghanistan, para sa repatriation ng mga Pinoy.
Magugunitang kinubkob ng teroristang grupong Taliban ang kabisera kahapon kasabay ng paglikas ng mga US diplomat mula sa kanilang embahada. —sa panulat ni Drew Nacino