Sumampa na sa mahigit 400 katao ang patay sa nagpapatuloy na airstrike ng Syrian at Russian Armed Forces sa Eastern Ghouta Province sa loob lamang ng limang araw.
Ayon kay United Nations Special Envoy for Syria Staffan de Mistura, isandaan limampung (150) bata na ang kabilang sa mga nasawi habang tinatayang dalawanlibo isandaan (2,100) ang nasugatan.
Lumalala na aniya ang sitwasyon sa gitna ng literal na pag-ulan ng bomba na maaaring maging sanhi ng pagka-ubos ng mga mamamayan ng naturang lugar kaya’t dapat ng magpatupad ng ceasefire sa lalong madaling panahon.
Target ng Syrian Armed Forces katuwang ang Russian Air Force ang mga balwarte ng mga rebeldeng kaalyado ng Islamic State.
Ito na ang pinakamatinding serye ng pambobomba sa pitong taong civil war sa Syria.
—-