Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Mga Pinoy na walang trabaho umabot na sa 4M ngayong Enero 2021 —PSA

by DWIZ 882 March 9, 2021 0 comment
COVID-19 PHILIPPINES

Umakyat pa sa 1.6-milyon ang mga Pilipinong walang trabaho sa Enero ng taong ito.

Ayon kay national statistician Claire Dennis Mapa, nasa 8.7% ang unemployment rate sa unang buwan ng 2021 at ito aniya ay katumbas ng 4-milyong Pilipino may edad 15-pataas na walang trabaho.

Sinabi ni Mapa na ang unemployment rate sa taong ito ay mas mataas sa 2.4-milyong mga Pinoy na walang trabaho noong Enero 2020 at bahagyang mataas din kumpara sa October labor force survey na nasa 3.8-milyon.

Samantala, batay sa labor force survey ng Philippine Statistics Authority, nananatili sa 91.3% o katumbas ng 41.2-milyong Pinoy adults na may trabaho nitong Enero.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment