Maraming pasahero ang stranded sa ilang bahagi ng Maynila kaninang umaga dahil sa operasyon ng I-ACT laban sa mga kakarag karag na pampublikong sasakyan.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga otoridad sa Sampaloc at Quiapo bilang bahagi ng Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign.
Nabatid na maraming driver ang hindi pumasada dahil sa takot na mahuli kayat dumagsa ang mga pasaherong walang masakyan partikular sa Espania Boulevard sa University of Santo Tomas.
Naipon din ang mga stranded na pasahero sa southbound lane ng Quezon Blvd mula pag akyat ng Quezon Underpass hanggang sa bahagi ng Quiapo Church.
Naging pagkakataon naman ang naturang sitwasyon sa mga tricycle driver sa bahagi ng Dela Fuente at Piy Margal sa Espania para kumita at maningil ng 40 Pesos kada pasahero.