Iginiit ni Senador Kiko Pangilinan na mahalagang magkaroon na ang Pilipinas ng batas na kokontrol sa baha at tubig-ulan, sa harap ng matinding pinsalang idinudulot ng malawakang pagbaha dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Ibinida ni Sen. Pangilinan ang tatlong panukalang batas na kanyang inihain na naglalayong lumikha ng komprehensibong plano para pangasiwaan ang baha sa Pilipinas.
Kabilang dito ang National Water Resources Management Act na layong magtayo ng Department of Water Resources na magpa-plano, magko-coordinate at magpatupad ng komprehensibo, sustainable, climate-resilient, at integrated development at management ng water resources ng bansa.
Inihain din ni Sen. Pangilinan ang panukalang Rainwater Run-off Management and Control Act, na naglalayong mabawasan ang umaagos na tubig ulan, maiwasan ang pagbaba ng kalidad ng local water at pagguho ng lupa.
Bukod dito, isinusulong din ng mambabatas ang panukalang National Land Use Act na layong lumikha ng National Geo-Hazard Mapping Program, upang matukoy ang mga lugar na prone sa baha, pagguho ng lupa, sinkhole at iba pang uri ng natural hazard.