Makakaranas pa ng mga pag-ulan ang Luzon ngayong linggo.
Ito ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay dahil sa inaasahang paiigtingin ng bagyong nasa labas pa ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang habagat.
Sinabi ng PAGASA na hindi naman inaasahang papasok sa bansa ang bagyong Halola subalit makakaapekto lamang ito sa habagat.
Puro dagat aniya ang dinadaanan ng nasabing bagyo subalit hihina ito kapag tumama na sa lupa.
By Judith Larino