Nilinaw ni Health Secretary Ted Herbosa na hindi kasama sa makakakuha ng zero-balance billing ang mga motorista na naaksidente at dinala sa mga D.O.H. hospitals, kung sila ay lumabag sa pagsusoot ng helmet, seatbelt, at nagmaneho nang lasing.
Ayon kay Secretary Herbosa, nasa labing tatlong libo na ang namatay sa mga road crashes noong 2023 o katumbas ng tatlumpu’t lima katao araw-araw.
Anya, target ng ahensya na bawasan ng limampung porsyento ang mga road traffic deaths at serious injuries pagdating ng 2028.
Ipinatutupad ang zero-balance billing sa walumpu’t pitong D.O.H. hospitals sa bansa, basta nasa basic accommodation at hindi sa private room ang pasyente.




