Siniguro ng Department of Social Welfare ang Development o DSWD na hindi basta-basta dadamputin ang mga menor de edad na tambay.
Ayon kay DSWD Undersecretary for Luzon Affairs and Special Concerns Isko Moreno, dapat may mga social worker sa oras ng pagsagip sa mga kabataan upang masigurong dadaan ito sa proseso.
Aniya, ang mga mahuhuli ay pakakainin at kunin ang pansin ang mga magulang lalo na ang mga kabataan na mahuhulihan ng iligal na droga.
“Ang isang layunin na pinai-igting ni Pangulong Duterte ay iligtas, sagipin ang mga kabataan sa kalye, sa amin naman po kapag ‘yan ay ipinatupad, masusi po ang pagsagip hindi po bastang kinakaldad lang, alam mo naman siguro ang salitang kaldad parang nagiging aso’t pusa na hinahabol ang mga bata, dapat may social worker ‘yan kapag ini-implement ang pagsagip sa kanila. Makikipagtulungan tayo sa mga barangay officials na makilala ang bata at tawagin ang pansin ng mga magulang.” Ani Moreno
Matatandaang iniutos ng Pangulong Duterte na damputin ang mga menor de edad na pakalat-kalat sa kalsada lalo na kapag dis oras ng gabi para sa kanilang proteksyon at kaligtasan kasunod na rin ng ipinatutupad na anti-tambay drive ng pulisya.
“Below 18, you arrest the teenagers there around loitering, because we have to protect our children, nagkalat na ang droga, nagkalat na ang lahat.”
“You take them into custody not to arrest them, but for their own safety, to protect them. They are not being arrested for any crime, arrest them for their good. ‘Uwi kayong lahat. We can take custody of minors to protect them.”
“That is the obligation of the police, the barangay chairpersons. ‘Pag minors, damputin mo talaga. Tawagin ang DSWD. Pakainin diyan and release them in the morning. It should be the barangay captain who will deliver them to the parents.” Pahayag ng Pangulong Duterte
(Balitang Todong Lakas Interview)