Naglabas ng direktiba ang Department of National Defense (DND) hinggil sa bagong klasipikasyon o titulo sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Batay sa inilabas na department order 174 na nilagdaan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na may petsang Hunyo 19, maaari ring tawaging chairman of the joint chiefs ang kasalukuyang AFP Chief of Staff.
Maaari na ring tawaging vice chairman of the joint chiefs ang AFP vice chief of staff, chief of the joint staff naman ang maaaring ibansag sa deputy chief of staff.
Habang ang kasalukuyang commanding general ng army, flag officer in command ng navy at commandant ng air force ay maaari nang tawagin bilang chief of the army, chief of the navy at chief of the airforce.
Sa kabila nito, nilinaw naman ni AFP Spokesperson, Marine M/Gen. Edgard Arevalo na wala namang nagbago sa trabaho ng mga nabanggit na opisyal ng AFP sa halip, iniakma lamang ang katawagan nito sa titulo ng kanilang mga counterpart sa rehiyon ng ASEAN upang maiwasan ang kalituhan.