Dapat na payagan ang mga lokal na pamahalaan na magdesisyon ukol sa pagpapatupad o hindi ng pagsusuot ng face mask sa outdoor set up.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, naniniwala siyang hindi na kailangan ang paggamit ng face mask sa labas dahil alam aniya ng lahat na mild lamang ang epekto ng Omicron variant sakaling tamaan nito.
Nabatid na kamakailan lamang nang hindi kilalanin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang inilabas na executive order ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia hinggil sa opsyonal na pagsusuot ng face mask sa mga open and well-ventilated spaces.