Nanganganib maubos sa halip na madagdagan pa ang mga kawani ng gobyerno partikular sa mga ahensyang nasa ilalim ng Department of Science and Technology o DOST.
Ito iginiit ng mga kawani ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA kasabay ng panawagang baguhin ang ilang probisyon ng Salary Standardization Law o SSL 4.
Ayon kay Mon Agustin, Pangulo ng Philippine Weathermen Employees Association, maraming benepisyo tulad ng hazard, allowance at subsistence pay ang mawawala sa mga katulad nila kapag tinanggal sa panukalang SSL ang Magna Carta for Science and Technology.
Ngunit ayon sa DOST, 88 porsyento o halos 5,000 kawani ang hindi makikinabang sa SSL.
Magugunitang ipinasa ang magna carta benefits ng mga Science and Technology employees na naglalayong pigilan ang mga taong gobyerno na maghanap ng trabaho sa ibang bansa.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)