Hindi kwalipikadong sumailalim sa hair follicle drug test ang mga kalbo, na isa sa mga paraan para malaman kung positibo sa ilegal na droga ang isang indibidwal.
Ito ang naging tugon ng Philippine Drug Enforcement Agency nang tanungin sila ni Sen. Bato Dela Rosa kaugnay sa nasabing drug test, sa pagdinig ng panukalang budget ng ahensya para sa susunod na taon.
Paliwanag ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, wala nang magiging traces kapag naahit na ang buhok.
Inamin naman ng ahensya na wala pa silang kakayahan na magsagawa ng follicle testing at kasalukuyang dine-develop pa ito.