Sumampa na sa 68.5 million na indibidwal sa bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Katumbas ito ng 76.14% na target population ng pamahalaan.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Communication Secretary Martin Andanar, sa kabuuan ay mahigit 148 million doses na ng mga bakuna ang naiturok sa buong bansa.
Nasa 73 million doses naman anya ang naiturok na bilang first dose habang mabagal pa rin ang bakunahan para sa booster na ngayon ay nasa 13.5 million pa lamang.
Samantala, inaasahang tataas ulit ang vaccination rate dahil matututukan na muli ito ng mga Local Government Unit ngayong tapos na ang halalan.