Muling inabisuhan ng Philippine Consulate General sa New York, U.S.A. ang mga pilipino na manatiling mapagmatyag sa gitna nang dumaraming kaso ng krimen sa lugar.
Batay sa datos ng New York City Police Department, tumaas ng 37% ang city-wide crime incidences ngayong taon kumpara noong 2021.
Kabilang sa mga insidente ng pagnanakaw o theft, 49%; robbery o panghoholdap, 39.2% at hate crimes, 12.6%.
Ayon sa konsulada, dapat mag-ingat ang mga pinoy tuwing lalabas ng bahay upang maiwasang maging biktima ng anumang krimen.
Noon lamang isang linggo, isa na namang pilipinong turista mula sa Cebu ang ginulpi malapit sa Philippine Center sa Manhattan, New York City.
Ito na ang ika-41 beses na isang pinoy ang nabiktima ng itinuturing na hate crime laban sa mga asyano sa Amerika.