Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bayan ng Malungon, Sarangani province.
Batay sa datos ng Phivolcs, nangyari ang pagyanig dakong 5:26 kaninang umaga.
Natukoy ang episentro nito sa layong 15 kilometro hilagang kanluran ng Malungon.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 34 na kilometro.
Naramdaman ang intensity 5 sa Malungon, intensity 4 naman sa Tupi, Koronadal City, Alabel at Kidapawan City.
Intensity 3 ang naramdaman sa Digos City, intensity 2 sa Davao City, General Santos City, Tampakan sa South Cotabato at Kiamba sa Saranggani.
Wala namang naitalang nasaktan at pinsala dahil sa naturang pagyanig.