Tututukan na ng Department of Education ang pagsasanay sa mga estudyante upang maging critical thinkers sa halip na maging kabisote lamang sa eskuwela.
Ito ang inihayag DEPED Secretary Sonny Angara matapos Philippine Statistics Authority matapos mabunyag sa senate hearing na halos 19 na milyong senior at junior high school graduates noong 2024 ang ikinukunsiderang “functionally literate,” o hindi makaunawa ng isang storya.
Ayon kay Secretary Angara, pinaigting na nila ang intervention ng DEPED, mula sa remedial at literacy programs hanggang sa mas epektibong paggamit ng datos sa bawat paaralan.
Aktibo rin anya sila sa pagtatama ng mga nagdaang proseso ng pagtuturo at paghahanda sa bawat mag-aaral na mas maging malakas at matatag sa hinaharap.
Ito’y upang matiyak na bawat estudyanteng Filipino learner ay magiging functionally literate at hindi mapag-iiwanan.