Posibleng maipasara ng pansamantala ang mga negosyo at establisyimento sa Batangas City na tumatanggap ng mga kustomer na hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ayon kay Armando Lazarte, pinuno ng eto Batangueno Disciplinary Monitoring Team, paraan ito ng lokal na pamahalaan upang mahikayat ang mga residente na magpabakuna na.
Batay aniya sa kautusan, kapag tatlong beses nahuli ang isang establisyemento na nagpapapasok ng hindi bakunado ay maaari itong maipasara ng pansamantala. —sa panulat ni Hya Ludivico