Maaari nang mag-apply ang Moderna at iba pang COVID-19 vaccine developers para sa emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) matapos umanong mag-inquire ang iba pang manufacturers.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, gaya ng Moderna, Baharat Institute at Serum Institute of India ay nagpakita ng interes na ipasok sa bansa ang kanilang bakuna kontra COVID-19.
Nagpadala na aniya sila ng listahan ng mga rekisito para sa EUA sa mga nabanggit na kumpanya.
Isa ang American company na Moderna sa mga nangunguna ang kalidad pagdating sa mga bakuna kontra COVID-19.