Iginiit ni Senate Committee on Agriculture Chairman Senador Kiko Pangilinan na mayroong mga circumstantial evidence para paniwalaan na nakikipagsabwatan ang mga Chinese smuggling syndicates sa mga local businessmen sa bansa.
Anya, ito rin ang dahilan kaya protektado sila ng ilang opisyal at tauhan ng Bureau of Customs, NBI, PNP, Department of Agriculture, at maaaring pati rin sa DOJ at Bureau of Immigration.
Dagdag pa ni Sen. Pangilinan, maaaring ihalintulad ang kasalukuyang isyu sa POGO na galing din sa China at may mga kasabwat na mga Pilipino kaya namayagpag sa bansa.
Kaugnay nito, ipinacontempt at ipinakulong na rin ng senador sa Senado ang dalawang opisyal ng Bureau of Customs sa Subic at ang isang broker matapos mapatunayang nagsinungaling sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture hinggil sa pagpupuslit ng mga iligal na agricultural products sa bansa.
—Sa panulat ni Mark Terrence Molave — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)