Kakaunti pa lamang ang bumibisita sa Barangka Municipal Cemetery ngayong bisperas ng Undas.
Sa datos ng Philippine National Police, nasa dalawandaang indibidwal lamang ang naitala kaninang alas dose ng tanghali.
Sa ngayon, abala ang mga caretaker sa pagpipintura ng mga nitso.
Pagpasok pa lamang sa loob ng sementeryo, ilang mga kabataan at caretaker ang nag-aalok ng pagpipintura.
Ayon sa mga caretaker, dalawandaang piso hanggang tatlundaang piso ang sinisingil nila sa mga magpapapintura, pero depende pa ito sa laki ng nitso.
Mayroon ding naniningil ng 500 pesos kada taon, pero depende sa pamilya ng mga yumao kung ipapaalaga ito.
Pakinggan natin ang tinig ng isa sa mga caretaker sa Marikina.
Inaasahan naman ng lokal na pamahalaan ng Marikina na posibleng umabot sa mahigit animnaraang libong katao ang daragsa sa mga sementeryo sa lungsod bukas.





