Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na pakinggan sakaling buksan ni Chinese President Xi Jinping ang usapin sa pagpapatigil ng online gambling sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, handa ang pangulo na marinig ang panig ng China sa usapin ng Philippine Online Gaming Operations (POGO) na sinasabing naging ugat ng sugal at krimen ng mga Chinese.
Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na naniniwala ang pangulo na walang masama sa POGO sa bansa dahil pinapayagan naman ang online gambling sa bansa.
Aniya, sakaling igiit ng China ang ban sa online gambling ay kinakailangan itong aprubahan ng kongreso.