Nakatakdang magdagdag ng mga tauhan ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa mga pantalan sa buong bansa para pigilan ang pagpasok ng droga sa Pilipinas.
Ayon kay PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino, aabot sa 110 bagong graduate na PDEA Agents ang itatalaga sa 13 pantalan gayundin sa 1,200 pribadong seaports.
Itatabi aniya ang mga bagong PDEA Agents sa mga Xray technicians ng B.O.C o Bureau Of Customs para tumulong sa pag-iinspeksyon sa mga pumapasok na bagahe.
Malaking tulong aniya ang presensya ng PDEA sa mga pantalan lalo’t dito aniya idinaraan ang bulto ng mga kontrabando ng iligal na droga na ipinupuslit papasok sa bansa.