Nananatili pa sa referral hospitals ng Department of Health (DOH) ang 10 repatriates mula sa MV Diamond Princess.
Kabilang ang 10 sa 25 repatriates na nagpakita ng sintomas ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) at dinala sa ospital mula sa quarantine area sa New Clark City sa Tarlac.
Ayon kay Health assistant secretary Maria Rosario Vergeire, 25 sinuri at kinuhanan ng sample ay 19 na ang nagnegatibo sa COVID-19 –base sa ginawang test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Sa 10 naka-confine pa, anim (6) na lang sa kanila ang pending ang resulta ng tests dahil ang apat ay nagnegatibo na.
Una nang sinabi ng DOH na dalawang beses kada araw sinusuri ang kondisyon ng mahigit 400 repatriates na naka-quarantine sa New Clark City.
Sinumang nakikitaan ng sintomas ng trangkaso ay kaagad dinadala sa ospital.
Sa March 11 pa matatapos ang 14-day mandatory quarantine period sa Pinoy repatriates mula sa MV Diamond Princess.