Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasig City bumaba na

by DWIZ 882 October 18, 2020 0 comment
PASIG CITY

Mula sa mahigit 2,000 bumaba na sa 360 ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pasig City sa loob lamang ng halos pitong linggo.

Sa kanyang social media accounts, ibinahagi ni Mayor Vico Sotto sa publiko ang isang infographic ng monitoring report sa lungsod kung saan makikita ang malaking pagbaba ng bilang ng mga impeksiyon na naitala noong August 31 at October 16.

Gayunman, nagbabala si Sotto na hindi pa rin sila dapat maging kampante kahit pa sumadsad na ang COVID-19 cases sa kanyang nasasakupan.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment