Posibleng ilagay sa COVID-19 alert system level 2 ang National Capital Region bunsod ng pagtaas ng kaso ng virus.
Nabatid na sa 17 local government units sa NCR, 13 ang nakapagtala ng positive two-week growth rate.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bahagyang pagtaas ng COVID infections ay dahil sa mobility ng publiko, presensya ng mga nakakahawang subvariants at paghina ng immunity ng COVID-19 vaccines dahil sa mababang booster shot coverage.
Sinabi pa nito na mahalagang hindi tumaas ang severe at critical cases, at hindi magkaroon ng problema sa mga pagamutan.
Sinabi pa ng opisyal na sa ngayon ay hindi pa nila nakikita na mayroong pagtaas sa COVID-19 admissions at dapat rin aniyang maintindihan ng publiko na mamuhay kasama ang virus.
Mababatid na nakapailalim ang NCR sa alert level 1 hanggang sa Hunyo 15.