Nakabawi na ang MERALCO Bolts sa serye ng 2017 PBA Governors Cup finals kontra defending champion Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings.
Nasilat ng MERALCO ang kanilang unang panalo upang ipako sa 2-1 ang kartada pabor sa Ginebra sa paghaharap ng dalawang team sa game 3 ng best of seven series, sa Araneta Coliseum, kagabi.
Inilampaso ng Bolts ang Gin Kings sa score na 94-81 sa pangunguna ni Allen Durham na nagpakawala ng double-double na 38 points at 20 rebounds.
Gayunman, asahan ng magiging dikdikan ang susunod na laban para sa MERALCO makaraang magtamo ng injury ang isa sa bigman ng team na si Ranidel de Ocampo dahilan upang maunsyami ang paglalaro nito sa game 4.
Muling maghaharap ang dalawang koponan para sa game 4, sa big dome pa rin, ala 7:00 ng gabi, bukas.