Inilabas na ng Malacañang ang memorandum circular para sa idineklarang national day of protest ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Setyembre 21.
Batay sa Office of the Executive Secretary, sakop lamang ng memorandum circular ang executive branch ng gobyerno, kabilang na ang local government units, at mga pampublikong paaraalan sa lahat ng antas.
Paglilinaw ng Malacañang, ang ibang sangay ng pamahalaan na walang hurisdiksyon ang ehekutibo ay hindi kasama o sakop ng memorandum circular.
Samantala, ipinauubaya na sa mga pribadong sektor ang pagpapasya kung magsususpinde ng pasok sa trabaho ganuon din sa pinuno ng mga pribadong eskwelahan kung mag-aanunsyo ng class suspension.
Batay sa proclamation 319, ang September 21 ay idineklarang national day of protest, bunsod ng inaasahang malawakang rally sa paggunita sa ika-45 anibersaryo ng Martial Law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
(Ulat ni Jopel Pelenio)